Little Miss Drama

Dito sa Abu Dhabi

on May 2, 2006

Dito sa Abu Dhabi, marami akong patuloy na natutuklasan at natututunan. May ilang maganda ngunit may ilang hindi rin kanais-nais…

1. Hindi siya puro disyerto gaya ng inaakala ko. Pagkalabas ko pa lamang ng paliparan, ipinasyal na agad ako nina Tito Manny, Tita Olga at Nessa. Habang nasa daan, humanga na agad ako sa kakaibang ganda ng lugar. Malinis, maraming liwasan at pahingahan, nagkalat ang mga moske at mala-palasyong hotel pati na rin ang mga tao.

2. May beach din pala rito. At dahil open beach, walang bayad. Iyun nga lang, nakakainis mag-beach kung puro lokal na balot na balot ang nagtatampisaw sa tubig. Dito lang ako nakakita na kahit nasa beach na animo’y naka-sutana pati na rin ang mga kababaihan na balot ng kanilang mga mahahabang damit at kung minsan pa, takip ang kanilang mga mukha. Nandiyan rin ang mga pakalat-kalat na ilang kalalakihan na naglalakad lang at patingin-tingin sa mga babaeng naka-two piece.

3. Kung mahilig ka sa mga astig at magagra na kotse, magsasawa ka rito. Dito lang ako nakakita ng Rolls Royce, Lamborghini, Bentley, Jaguar, at ang limousine na nilatagan pa ng red carpet habang naghihintay sa sasakay na VIP. Karamihan sa mga sasakyan na nagkalat sa daan ay mga BMW, Benz, Bentley, Beetle, Jaguar at Hummer.

4. Libre ang parking kahit saan ka magpunta. Una-unahan nga lamang.

5. Maaaring mag-yosi kahit saan. Sa restaurant, sa mall, kung minsan pa nga sa opisina. Kaya kung may anak ka, magdadalawang-isip kang ipasyal at ilabas ang anak mo dahil kahit saan ka lumingon, malalanghap ng bata ang usok mula sa mga naninigarilyo.

6. Bukas pa ang mga mall at restaurant kahit alas dose na ng gabi at ang mga tao, nagkalat pa at patuloy na namamasyal kahit madaling araw na. Mas madaming tao sa labas kung Huwebes ng gabi palibhasa’y walang pasok ng Biyernes. Ang Huwebes at Biyernes dito ang parang Sabado at Linggo sa Pilipinas.

7. Mura ang tsokolate. Kaya naman hindi kataka-taka na ganun kalalaki ang mga tao dito.

8. Talamak ang diskriminasyon. Babae sa lalaki. Lokal sa hindi lokal. Sa paghahanap pa lamang ng trabaho, makikita na agad ang laki ng pagkakaiba sa sweldo ng isang lokal at ng hindi lokal. Kapag lokal ka, pinakamababa mo ng maaaring kitain sa isang buwan ay nasa Dh8k ngunit kung hindi ka lokal, papaswelduhin ka lamang ng Dh800-Dh1500 depende na rin sa klase ng trabaho. Kapag babae ka, wala ka ng iba pang mapapasukan kundi ang pagiging sekretarya, receptionist o anumang pang-administratibong gawain. Ngunit kung ikukumpara pa rin sa kikitain mo sa Pilipinas, talaga namang malaki ang sweldo kahit sekretarya ka lamang dito. Maaring umabot ang sahod mo bilang sekretarya mula sa Ph30k-40k depende na rin sa kumpanya at sa iyong kakayahan.

10. Bastos ang ilang Arabo.  Minsan nga raw ay may nanghihipo (na sana naman ay hindi ko maranasan). Nandiyan rin na kung minsan, halos hubaran ka na kung tingnan ka. Naranasan ko na iyon nang minsang lumabas ako na naka-skirt. Palibhasa’y sanay ako na pumasok sa opisina nang naka-palda bukod pa sa mainit sa labas, pumasok ako minsan nang ganun ang suot at malayo pa lamang ay tinititigan ka na nila.

11. Bastos ang karamihan sa mga taxi driver. Hindi na nga sila marunong mag-Ingles, kung minsan pa’y mabaho, nandiyan pa na bastos kung umasta. Ngunit hinding-hindi nila kayang bastusin ang mga babae rito sapagkat maaari mo silang ipakulong. Minsang nag-taxi kami ni Jay papuntang Marina Mall, sinabi ng driver na ayaw nya ng barya ang ibayad sa kanya. Pero dahil pasaway si Jay, barya pa rin ang ibinayad nya bago kami bumaba. At dahil ako ang nasa dulo, natakot ako nang bumaba si Jay at hablutin siya ng driver. Naiwan ako sa taxi habang patuloy si Jay sa pakikipagbastusan sa nasabing driver. Pero dahil sa wala na ring magawa ang driver kundi ang magsabi ng “F*** You”, nakababa rin ako. At si Jay, patuloy naman sa pagsabi ng “Sharmuta” o M***** F*****.

12. Iba ang tingin ng mga tao sa’yo kung isa kang babaeng naninigarilyo. At dahil sa pareho kami ni Nessa ng bisyo, nasanay na rin ako na kung minsan ay may titingin sa akin na para bang akala mo’y isa akong mababang klase ng babae. Kagaya na nga lamang kagabi, may dumaan na lokal at may sinabi sa Arabic na ang naintindihan lamang namin ni Nessa ay ang salitang “cigar”. Sinagot ko na lamang ng “Pakialam mo!”

13. Nasanay na rin ako na kung minsan ay may sisipol at susutsot sa’yo habang naglalakad ka lalo na kung mag-isa ka lamang. Gaya nang nanggaling ako sa Ratskey’s at pinagtripan ni Nessa at Jay na iwanan at pagtaguan. Lumabas lang sina Nessa nang nakita nila na hindi tumitigil sa pagsunod sa akin ang isang Indian. Kagabi naman, paglabas ko ng SFC, sinipulan ako ng lalaking nasa sasakyan. Buti na lang at kasunod ko agad si Kuya Dodjie. Minsan naman, halos mabali na ang leeg ng mga lalaking tumitingin sa’yo gaya kagabi habang nagyoyosi kami ni Nessa sa labas ng ospital. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko napipigilang magsalita ng “O mabali leeg mo! Titingin pa talaga!” at kapag talaga namang bastos na kung makatitig ay hindi napipigilan ni Nessa na magtanong ng “What are you looking at?”

14. Makapal ang ilan sa mga tao dito upang manghingi ng yosi sa’yo. Kaya mas mabuti na nakatago ang pack mo ng yosi para kung may manghingi, maaari mong idahilan na last stick mo na iyon. Una naming naranasan ni Nessa iyon sa baba ng flat. May isang lokal na babae ang lumapit sa kanya at nanghingi ng yosi. At dahil sa mabait naman kami, pinagbigyan na namin. Iniabot ko ang pakete ko ng yosi subalit nagulat ako ng kunin nya ito at iabot sa kasama niyang babae. Nanghingi na nga lamang siya, nakuha pa niyang mamigay ng yosing hindi naman sa kanya! Garapal talaga! Naulit ang ganitong insidente sa ADNOC (gas station). Papunta kami ng Dubai noon at huminto kami sa pag-asang mayroong yosi sa shop ng ADNOC. Ngunit dahil wala, tinipid na namin ni Nessa ang natitirang apat na yosi. Maya-maya pa, lumapit ang isang Indian na lalaki at nagsabi ng “Excuse me ladies. Can I please have one cigarette?” Hindi na kami naging mabait ni Nessa sa pagkakataong ito. Sinagot siya ni Nessa nang “We only have two left” sabay turo sa mga yosing hawak namin. Niloko ko si Nessa na dapat sinabihan niya ng “We only have two left. Want to just puff?” Hahaha!!!

15. Hindi pa summer ngunit kakaiba na talaga ang init lalo na kapag sobrang init ng singaw sa labas at kahit humahangin, para kang niluluto ng buhay. Sa tindi ng init, nagkaka-rashes ako kapag masyadong naiinitan sa labas. Buti na lamang at halos lahat ng flat dito ay centralized kaya naman kahit mas mainit dito kaysa sa Pilipinas, parang mas ok na rin dito kung nasa opisina o loob ka lamang ng bahay.

Ganun ata talaga, kahit saan mayroong mga adbentahe at disadbentahe sa pagtira sa isang lugar. Sanayan lamang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Charlotte Farhan Art - Creating Change

Visual Artist, Published Illustrator, Writer, owner / editor of ASLI Magazine, activist to end rape culture and campaigner to end stigma against mental illness. #artsaveslives

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Monsoon Breeze

Homely Thoughts and Arabian Dreams

Some Good Eats

Eat and don't worry about it

kelzbelzphotography

My journey - The good, bad and the ugly

MIRAGE

Reality is merely an illusion, albeit a persistent one. So get a few laughs and do the best you can. Don't have an ideal to work for. That's like riding towards the mirage of a lake.

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Cinta, serta berbagi kata yang baru terupdate

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Kata Cinta, Kata Ucapan, dan berbagi kata hanya untuk kesenangan

MuseBoxx

Space to Create

%d bloggers like this: