Little Miss Drama

Ang Buhay Single

on May 23, 2006

bY McG (edited)

Bakit ba tuwing may get-together ang mga tao, mapa-family reunion man or simpleng gimik barkada, ang unang tanong sa’yo ay “May boyfriend ka na ba?”  At bago ka pa maka-sagot ay maririnig mo naman ang “Bakeet walaaaaaa??!”

Hayyy, kelangan ba talagang may bitbit kang boylet sa mga occasions na ito? Pa’no kung wala talaga? Alangan namang makiusap pa ako sa mga “close” guy friends ko para magpanggap na “kami”?! Di naman ‘ata tama yun, dee-bah?

How I wish na sana mas maintindihan ng mga tao na sa panahon ngayon ay “accepted” na sa society na MEDYO made-delay ang pag-iisang dibdib ng mga kababaihan…especially girls like me who want to get into so many things all at the same time.

I also wish that people would understand that OKEY LANG AKO and the rest of THE SAMAHANG MALAMIG ANG PASKO…Valentines day…Birthday…etc.

I mean, we do get lonely once in a while…naiingit din dun sa may mga LOVELIFE… paminsan-minsan…kung minsan naman ay nagmumuni sa mga
past kilig moments…but these lonely moments do not and will not make our world stop…

Isipin nyo na lang, na kung wala kaming mga single friends nyo, eh di wala kayong paghihingaan ng sama ng loob tuwing nag-aaway kayo ng boylet or girlet nyo…wala rin kayong “instant date” kung sakaling nangailangan kayo…wala rin kayong mahihila sa mall para maghanap ng magandang regalo for your better-half pag Christmas…o kaya ‘pag bday n’ya…At ang pinaka-mahalaga sa lahat, wala kayong KAKAMPI if things between you and your labidabs don’t work out.

Marami naman sa aming mga singles ay nakaranas na rin na “ma-inlove”…’yun nga lang, obvious ba?????????? It all didn’t work out!

Pero di naman kami “bitter” o galit sa mundo. And totoo nga nyan eh mas lumalalim ang kahulugan ng “love” para sa ‘min. When you’re all by yourself,
there’s more time to reflect and think what you really want in  life. Mas naiisip mo kung ano ba talaga ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sa’yo…at mas naiisip mo kung pa’no matutupad ang lahat ng mga pangarap mo. And while reflecting, we also get to imagine that we will, one day end up with someone who will share those dreams with us.

Di naman sa nang-iinggit ako pero masaya rin ang buhay naming mga single… Biruin mo we can go out with anybody, anytime. We can get into all kinds of things like go to the gym regularly…or get into all kinds of sports…or any “Self-enhancement” programs, etc…

Medyo tipid din ang buhay single kasi ‘la naman kaming poproblemahin tuwing Valentines day or Christmas. O di ba ang saya?

Sa palagay ko naman, lahat tayo ay may karapatang sumaya single man o attached ka. I guess may kanya-kanya lang tayong panahong lumigaya at Diyos lamang ang makapagsasabi kung kailan nga dadating ang oras na ‘yon.

So, para sa mga kasalukuyang “ATTACHED”, I wish you all the luck and happiness. Should there be any problems, don’t forget that your SINGLE friends are always here for you.

Sa mga “bagong SINGLES” naman, wag nang magmukmok! Enjoy life…enjoy the single life!!!  There are a lot of things that you will still discover. At tandaan mo, DI KA NAG-IISA!!! Madami-dami tayo…hehehehe 🙂

At dun naman sa kapwa kong mga SINGLES? I hope that we are one in believing that we long for someone NOT BECAUSE WE WANT TO BE HAPPY but BECAUSE we want to share our happiness with that special person for the rest of our lives…

Advertisements

One response to “Ang Buhay Single

  1. yoonheelin says:

    True . True . True :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Charlotte Farhan Art - Creating Change

Visual Artist, Published Illustrator, Writer, owner / editor of ASLI Magazine, activist to end rape culture and campaigner to end stigma against mental illness. #artsaveslives

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Monsoon Breeze

Homely Thoughts and Arabian Dreams

Some Good Eats

Eat and don't worry about it

kelzbelzphotography

My journey - The good, bad and the ugly

MIRAGE

Reality is merely an illusion, albeit a persistent one. So get a few laughs and do the best you can. Don't have an ideal to work for. That's like riding towards the mirage of a lake.

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Cinta, serta berbagi kata yang baru terupdate

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Kata Cinta, Kata Ucapan, dan berbagi kata hanya untuk kesenangan

MuseBoxx

Space to Create

%d bloggers like this: