Little Miss Drama

Ramadan na naman…

on September 19, 2007

Last Thursday pa nagsimula ang Ramadan. Pahirapan na namang kumain at lalo na ang magyosi. Bakit ‘ka nyo? Dahil iba ang pag-celebrate ng Ramadan kapag nasa isa kang Muslim country hindi gaya ng nasa Pinas ka lang. Bawal kang makita na umiinom, kumakain, o nagyoyosi sa publiko. Bawal ang kahit na ano na isinusubo sa bibig kahit candy lang. Bakit? Kasi insulto at kabastusan sa kanila yun na nagfa-fasting. Para mo lang naman silang iniinggit. Ikaw nagpapakabusog samantalang sila umaga pa lang (sa pagkanta ng Imam na equivalent sa isang mass ng mga Katoliko) ay hindi na kakain. Kaya naman may fine noon na 50 dirhams o 650 pesos. Pero ngayon daw tumaas na at naging 100 dirhams na o 1,300 pesos.

Kaya naman kalimitan sa mga opisina na mayroong hindi mga Muslim, patagong kumakain ang mga empleyado. Kalimitan nasa pantry lang. Buti na lang sa office namin hindi mahigpit. Kahit may pagkain at tubig ako sa station ko, wala silang pakialam. Kahit pa nga kumain ko sa station ko, okay pa rin. Pero ang pagyoyosi ang mahirap. Kaya naman laging patakas sa fire exit ang gawain ko. Hay, isang buwan din ‘to…

Okay na rin kasi pag naman Ramadan, mas maikli ang oras ng trabaho. Ang dating office hours namin na 8:30am-6:30 pm na may 1 hr lunch break ay nagiging 9am-3:30pm lang with lunchbreak-when-you-want-it. Mahirap lang kasi sarado ang halos lahat ng tindahan, mapa-grocery, malls or restaurants. Nagbubukas lamang sila sa paglubog ng araw at muli sa hudyat ng kanta ng Imam nang bandang mga 6-7pm na. Kaya naman ang mga malls at iba pang lugar ay bukas hanggang 2am ng madaling araw.

Enjoy din ang Iftar o ang salu-salong pagkain ng mga Muslim matapos ang fasting para sa araw na iyon. Masaya kapag naiimbitahan ka upang makisalo sa kanila. Parang fiestang Pinoy. =D

Pagkatapos ng isang buwan ng fasting, nasusundan na ito ng 2 araw na selebrasyon o ang Eid al Fitr. As usual, isa na naman itong mala-fiestang pagsasalo. At for sure, lalabas na naman kami ng mga ka-opisina ko gaya last year. Kasunod na nito ang mga sale sa iba’t ibang malls na talaga namang bagsak-presyo kaya ang sarap na namang mag-shopping!

Pero siyempre, gaya ng Mahal na Araw ng mga Katoliko, ang Ramadan ay higit pa sa mga nabanggit ko.  Isa itong panahon ng reflection…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Charlotte Farhan Art - Creating Change

Visual Artist, Published Illustrator, Writer, owner / editor of ASLI Magazine, activist to end rape culture and campaigner to end stigma against mental illness. #artsaveslives

A Tourist, A Traveler and A Lover of Art

I always believe that if you've experienced something extraordinary, you have no right to keep it to yourself. Paola Nazario

Monsoon Breeze

Homely Thoughts and Arabian Dreams

Some Good Eats

Eat and don't worry about it

kelzbelzphotography

My journey - The good, bad and the ugly

MIRAGE

Reality is merely an illusion, albeit a persistent one. So get a few laughs and do the best you can. Don't have an ideal to work for. That's like riding towards the mirage of a lake.

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Cinta, serta berbagi kata yang baru terupdate

Kumpulan Kata-kata Sedih, Kata Bijak, Kata Kata Cinta, Kata Ucapan, dan berbagi kata hanya untuk kesenangan

MuseBoxx

Space to Create

%d bloggers like this: